Ito ang pinaka paborito ko sa lahat na ulam. Isa din itong best seller sa aking mini resto. Isang mini resto na pang masa.
1kl Tulingan
1 sibuyas
2 kamatis
4 na butil ng bawang
1/2 kutsaritang paminta (cracked )
1/2 tasa ng luya (hiniwa ng stripped )
1 magic sarap
asin
sili pang sigang
sili labuyo
Petchay or talong (optional lamang )
Gata ng niyong ( isang buo ng niyog na piniga na)
3/4 tasa na Suka
Pamaraan
- hatiin ang hiniwang sibuyas, bawang, kamatis, luya. Ilagay sa kaldero o kawali ang mga hinating mga rekado kasama ang paminta.
- isunod lagay ang isda (tulingan o di kaya ay tambakol o tilapia) mga pagpipiliang mga isda na gagataan
- ilagay ang suka kapag nailgay na ang isda sa ibabaw ng mga sangkap.
-Hayaang kumulo ng mga 5minutes
-ilagay ang mga natirang sangkap pagkatapos ng 5minutes na pakulo sa suka kasabay ng pangalawang gata.
-hayaan itong kumulo ng mga 10minutes.
-after 10 minutes ilagay ang unang gata kasabay ang siling pamaksiw o pangsigang at ang siling labuyo. Halu-haluin ang gata para hindi kumulta o magbuo-buo. Kapag kumulo na
at luto na ang unang gata saka ihulog ang petchay at ilagay ang magic
sarap. Timplahin at takpan ng mga 3minutes para maluto ang pechay. Kapag
talong ang hinalo kailangan isabay ito sa pangalawang gata.
0 Comments