Pork Steak Recipe

Paano magluto ng masarap na Pork Steak na hindi masyadong gagastos ng malaki?

Photo: franklinchua.wordpress.com
Mga Sangkap
1/2 Kilo Pork / Baboy na laman
Soy Sauce / Toyo
Calamansi/Kalamansi
Onion / Sibuyas
Garlic / Bawang
Pepper / Paminta
Maggi Magic Sarap (Sponsor)


Paraan ng Pagluluto
1. Hugasan mabuti ang pork o baboy.
2. Ilagay sa isang malinis na lalagyan ang pork at lagyan ng toyo.
3. Lagyan ng 1/2 t.spoon ng pamintang durog para bumango ang pork steak.
4. Ilagay ang kalahating bahagi ng Maggi Magic Sarap at takluban ang lalagyan at itabi ng mga kalahating oras para lumasa ang sangkap sa pork.
5. Matapos ang 1/2 oras, mag-gisa ng bawang at sibuyas at papulahin ng "golden brown".
6. ihulog ang marinated pork ng 30mins at haluin ng konte para ilubog ng konte ang karne.
7. Pakuluan ng 30mins at tingnan kung malambot na ang laman.
8. Kapag malambot na ang pork, ilagay na ang kalamansi na 1/2 cup at pakuluin in 5mins.
9. Tikman kung okay na ang lasa ng asim at alat ng pork steak mo.
10. Mag-slice ng sibuyan ng malaki bago ilagay sa ibabaw at hayaang kumulo ng 2mins para mas maamoy mo ang aroma ng kalamansi at sibuyas.
11. Hanguin at ilagay sa isang malinis na lalagyan.

O ayan na ang pinaka simpleng recipe ko ng Pork Steak.

Post a Comment

0 Comments