Kung naghahanap ka ng weekend
escape na malapit lang sa Manila, Doña Remedios Trinidad (DRT), Bulacan is
a hidden gem worth visiting. Kilala bilang “Last Frontier of Bulacan,”
dito mo mararanasan ang sariwang hangin, bundok, ilog, at waterfalls na parang
paraiso.
Adventure
in DRT
Unang stop namin, syempre, ang
mga waterfalls ng DRT. May Verdivia Falls, Secret Falls, at Tila
Pilon Hills—lahat may kakaibang charm. Walang tatalo sa pakiramdam ng
malamig na tubig habang nasa gitna ka ng nature. Para bang lahat ng stress sa
city, naiwan agad. Bukod sa waterfalls, DRT is also
perfect for hiking, camping, at motorbike rides. Yung view ng bundok?
Grabe, parang postcard.
Food
Stop: Tila Pilon Restaurant and Café
Pero siyempre, after all the
adventure, gutom mode na! Kaya dumiretso kami sa Tila Pilon Restaurant and
Café—at masasabi ko, sulit na sulit.
Dito mo makikita ang rustic
mountain vibes na may overlooking view. Habang nagkakape at kumakain ng local
comfort food, ramdam mo yung simple pero masarap na buhay. Ang sarap mag-chill
habang pinapanood ang sunset. Instagram-worthy pa ang ambience, kaya hindi lang
tiyan ang busog, pati feed mo sa social media.
Kuya
Arby’s Travel Note
Kung plano mong pumunta, tandaan:
- Best time: Morning for hikes, late afternoon for chill weather
- Bring essentials: Extra clothes, water, snacks, at waterproof bags
- How to get there: From Manila, sakay ng bus o van papuntang San Miguel or San Ildefonso, Bulacan, then tricycle or jeep to DRT.

0 Comments